ObraBlog #4

Gawa nina Johann Blaise S. Manzano at Russel A. Montero

Paksa: Kagandahan

Pagmamahal ko sayo’y walang iwanan
Hangga’t ayos lang at káyang ipaglaban
Lalaban at ika’y muling babalikan
Para ika’y bigyan ng kaginhawahan

Ang puso ko’y walang ibang nilalaman
Kundi ikaw at ang pangalan mo lámang
Gagawin ko ang lahat, bilang kasintahan
Upang mapasaya’t matuwa ka lámang

Walang iba laura ikaw lang sapat na
Mananalo sa digmaan para sa’yo
Babalikan ka’t sa dulo’y magwawagi
Alay ang buong puso’t lakas para sa iyo

Handang harapin lahat ng kahirapan
Dumating man ang bagyo’y ‘di matitibag
Gumuho ang mundo’t lupa’y kumalampag
Pagmamahal ko sayo’y ‘di matitibag

ObraBlog #3 – “KarakDuo”

Gawa ni Johann Blaise S. Manzano, 8A

Hi! Ako nga pala si Johann, mahilig ako maglaro noong ako’y anim na taong gulang pa lamang. Ako’y nakatira sa Cagayan de Oro, Mindanao. Noong nasa elementary na ako, may isang taksil at taong nagseselos dahil sa pagiging matalino ko, na si Jiro. Noong nasa isang-baitang palang ako, may hawak-hawak na kutsilyo si Jiro tuwing siya’y nagagalit, muntik na akong mapasali sa problema na dinadanas niya. Bumalik kami sa Las Piñas City upang lumipat at doon ko lang nalaman, na namatay ang aking lolo. Ang masakit doon, hinanap at hinanap ako niya, upang makita muli niya ang aking mga mata, ngunit wala ng oras at siya’y namatay na. Ako’y niyakap at tinali ng kadiliman, hindi ako nakakita ng liwanag at ang sarili ko ay punóng-punó ng galit at pagsisisi. Habang ako’y nasa kadiliman, walang planong umalis dahil sa problemang ito, may isang lalaking humawak sa dalawa kong kamay at pinatayô ako sa aking mga paa, upang kalabanin ang problemang ang dinanas. Iyon si Vincent, na dati ay akala ko hindi ako tutulungan dahil siya’y isang kasamahan ni Jiro. Ngayon ay nakita ko sa Florante at Laura, na mayroon ring palang nakaranas ng búhay ko, at iyon ay si Florante. Doon ko nalaman na si Florante ay nagsisi rin pala, na namatay ang kaniyang ama, at pinagtaksilan siya, at tinali sa “Gubat na Mapanglaw” na biglang dumating si Aladin at tinulungan siya na makaalis sa problemang iyon. Grabe, hindi ako makapaniwala, na ang problema ko’y kasinghirap ng problemang dinanas ni Florante. Doon ko nalaman na, táyo’y dapat hindi sumusuko sa ating mga problema, hindi dapat táyo’y mag-alala o magtago sa kadiliman, dahil sa tamang araw, may isang taong gagabay sa atin at tatanggalin lahat ng problemang napaloob sa atin.

Gawa ni Russel A. Montero, 8A

Hi! Ako nga pala si Russel, bata pa lamang ay danas at lasap ko na ang hirap, ako’y mahilig tumulong sa mga nangangailangan at mga kailangan ng tulong dahil naksanayan ko na ito tumutulong rin ako khit magkaiba pa kami ng relihiyon at paniniwala dahil sabi ng mga magulang ko ay walang reli-relihiyon sa pagtulong sa kapwa. Bata pa lamang ako ay may kaklase ako sa elementarya na muslim at siya ay inaapi ng aking mga kaklase dahil sa kanyang relihiyon kaya siya ay aking pinagtanggol dito dahil ako ay naawa katulad na lamang ni Aladin sa kuwentong Florante at Laura tinulungan ni Aladin si Florante kahit magkaiba sila ng relihiyon walang pag aalinlangan at purong puro na tapang para mtulungan itong si Florante mula sa mga mbabangis na hayop katulad ko binigay ko ang tapang ko upang tulungan ang inaapi ng mababangis na bully, kaya lagi kong sinasabi sa aking sarili na walang relihiyon sa pagtulong.

ObraBlog #2

Johann Blaise S. Manzano at Russel A. Montero, 8A

Sanggunian: https://www.slideshare.net/mobile/johndeluna26/tayutay-46977850

I. Katangian ng mga sumusunod na Tayutay

A. Pagtutulad (Simile) – Ito’y isang di-tiyak na paghahambing ng dalawang bagay. Ginagamitan ito ng mga pangatnig tulad ng: sing, sim, magkasing, magkasim at iba pa.

Halimbawa: Ang kaniyang kagandahan ay kasíng ganda ng bituin.

B. Pagwawangis (Metaphor) – Ito ay isang tiyak na paghahambing ngunit hindi na ito ginagamitan ng pangatnig. Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, o tawag.

Halimbawa: Matigas ang kamao ng boksingero.

C. Pagsasatao (Personification) – Ito ay isang tayutay na sa pamamagitan ng haraya ay nakakapit ng katalinuhan at mga katangian ng tao tulad ng hayop, ibon, mga bagay at mga katangian rin.

Halimbawa: Hinalikan ako ng malamig na hangin

D. Pagmamalabis (Hyperbole) – Ang paglalarawan sa tunay na kalagayan ng tao, bagay, pangyayari at iba pa ay lubhang pinalalabis o pinakukulang.

Halimbawa: Abot langit ang pagmamahal niya sa akin.

E. Pagpapalit-tawag (Metonymy) – Ito ay ang pagpapalit ng katawagan o ngalan ng bagay na tinutukoy. Ang pagpapalit ay maaaring: A. Paggamit ng sagisag para sa sinasagisag, B. Paggamit ng lalagyan para sa bagay na inilalagay, at C. Pagbanggit ng simula para sa wakas, o wakas para sa simula.

Halimbawa: Apat na bote ang nawawala sa itinago niyang kahon

F. Pagtatawag (Apostrophe) – Isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito’y isang tao.

Halimbawa: O! Tukso! Layuan mo na ako!

G. Pagpapalit-Saklaw (Synecdoche) – Ito ang pagbanggit ng isang bahagi ng isang bagay para sa kabuoan o kaya’y isang tao para kumakatawan sa isang pangkat o grupo.

Halimbawa: Isinambulat ang ordeng mula sa dibdib ng taksil.

2. Paano nakaapekto ang Tayutay at Simbolismo sa inyong pag-unawa sa bawat saknong ng Florante At Laura?

– Sa pamamagitan ng pag-alam sa mga uri ng tayutay, malalaman natin ang mga tayutay na ginamit sa mga saknong ng Florante at Laura, upang mas maging matalinhaga ang dating ng mga bawat saknong at ang kahulugan nito.

II. Ikalawang Bahagi – Florante at Laura

1. Basahin ang saknong 126-257 ng Florante at Laura

2. Pumili ng MAHALAGANG SAKNONG na tungkol sa IBA’T IBANG PAKSA at talakayin ang kahalagahan nito sa kasalukuyung panahon at sa inyo bilang isang Lasalyano

148 “Kung nasusuklam ka sa aking kandungan, lason sa puso mo ang hindi nabinyagan, nakukutya akong ‘di ka saklolohan, sa inyong masapit na napakarawal

Kahulugan: Ang ibig-sabihin ng saknong ito ay patungkol sa hindi pagrerespeto sa iba. Ito’y mahalaga sa atin bilang isang lasalyano dahil kailangan nating irespeto ang paniniwala at relihiyon ng iba, dahil kung hindi mo sila irerespeto, hindi ka susuportahan o kakampihan sa anumang problemang iyong hinaharap.

199 “Ang taong magawi sa ligaya’t aliw, mahina ang puso’t lubhang maramdamin, inaakala pa lamang ang hilahil, na daratna’y ‘di na matutuhang bathin”

Kahulugan: Ang mga tao ngayon ay kadalasan kapag may naiisip na problema, ay parang hindi na agad nila káya. Dapat bilang isang tao, ay kailangan nating hakbangan ang problema natin, huwag táyo tumambay sa problema hangga’t alam natin ang paraan para malunasan ito.

II. SKL | KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG FLORANTE AT LAURA.

Sanggunian: http://www.wikipedia.org “Philippine Heroes – Francisco Baltazar Balagtas y Dela Cruz (1788–1862)”Etravel Pilipinas. Archived from the original on 11 March 2014. Retrieved 11 March 2014.

Johann Blaise S. Manzano at Russel A. Montero, 8A

A. Ano-ano ang paksang matatalakay sa Florante at Laura?

– Isa sa paksa ang matatalakay ay ang mga kwentong pag-ibig. Ipinapakita rin dito ang paghahari sa isang pamahalaan. Mayroon ring paksa na tungkol sa pagmamahal sa kanilang mga pamilya, at pagkakaibigan ng dalawang magka-away.

B. Paano nakaapekto ang “alegorya” sa pagkakalikha ng obra sa panahon kung kailan ito nalikha?

– Dahil sa mga mahigpit na sensura ng Espanyol sa panahon ni Balagats, ito’y naapekto sa kaniyang paggawa ng obra kaya gumamit siya ng alegorya upang makalusot.

C. Ano ang orihinal na pamagat ng obrang ito?

– Ang orihinal na pamagat ng obrang “Florante at Laura” ay ang “Pinagdaanang Buhay nina Florante at Laura sa Kahariang Albanya: Kinuha sa madlang “cuadro histórico” o pinturang nagsasabi sa mga nangyari nang unang panahon sa Imperyo ng Gresya at tinula ng isang matuwain sa bersong Tagalog”.

D. Ano-ano ang mga APAT NA HIMAGSIK na tinukoy ni Lope K. Santos ukol sa Florante at Laura?

– Ang mga apat na himagsik na tinukoy ni Lope K. Santos ay ang mga: Ang himagsik laban sa malupit na pamahalaan, ang himagsik laban sa hidwaang pananampalataya, ang himagsik laban sa mga maling kaugalian, at ang himagsik laban sa mga mababang uri ng panitikan.

E. Paano nakaapekto ang buhay ni Balagtas sa kaniyang obra?

– Dahil sa pagkakulong sa kaniya dahil kay Nanong Kapule, wala siyang nagawa sa kulungan kundi gumawa ng isang obra. Ang obrang iyon ay ang “Florante at Laura”. Nakaapekto ito dahil isinulat niyo ito hindi lang dahil wala siyang magawa, kundi gusto niyang mai-pahayag ang pang-aabuso at pagmamalupit ng mga Espanyol sa mga Pilipino. Ang obrang ito ay sumasalamin kung ano ang tunay na nangyari sa kaniyang bayan noong panahon niya.

F. May epekto ba ang obrang ito sa Panahon ng Himagsikan? Patunayan.

– Oo, dahil sa panahon ni Jose Rizal nang makita niya ang obrang “Florante at Laura” ni Balagtas, nagkaroon siya ng inspirasyon mula sa obrang nabása niya.

D. Hugot ni Fransisco Balagatas kaugnay sa kaniyang Buhay-Pag-ibig

Sanggunian: https://www.google.com/search?q=florante+at+laura+background&safe=strict&client=ms-android-vivo&prmd=ivn&sxsrf=ACYBGNQSmn2DL1sxCoK7Iyacc4x2C8WVqA:1579774450716&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwiV6ta3vpnnAhVZeXAKHQJqCE0Q_AUoAXoECA8QAQ&biw=360&bih=634&dpr=2#imgrc=PmHQ3D9THBjM9M

Ang hugot na “Buti pa si Jose Rizal nasaktan para sa bayan, eh ako? Nasaktan dahil kinulong at iniwan” ay ipinapakita sa parte ng kaniyang buhay na siya’y nabilanggo dahil sa isang babae, at pagkatapos ay napunta sa Bataan.

Johann Blaise S. Manzano at Russel A. Montero, 8A

C. Sana all ni Fransisco Balagtas bilang Makata

Sanggunian: https://philippineculturaleducation.com.ph/baltazar-francisco-balagtas/

Ang “Sana all hindi sinusuko ang pangarap” ay tungkol sa buhay ni Fransisco Balagtas bilang makata na kahit siya ay nasa bilanggo o nakakulong, hindi niya paring sinuko at kinalimutan ang kaniyang pangarap, at binawian ng buhay para lang matapos ang tula at maibahagi sa mga Pilipino sa kasalukuyang panahon.

Johann Blaise S. Manzano at Russel A. Montero, 8A

B. Starter Pack ng Edukasyon ni Fransisco Balagtas

Sanggunian: http://www.slideshare.net

Johann Blaise S. Manzano at Russel Montero 8A

Ang larawan sa kaliwa ay patungkol sa “Florante at Laura” na isinulat ni Balagtas noong siya ay kinulong. Ang larawan naman sa kanan, ay ipinapakita ang “Colegio de San Jose” kung saan nag-aral at nagtapos si Fransisco Balagtas. Ang larawan sa ibaba ay ang isa sa mga natapos niya sa kolehiyo na ang pamagat ay “Doctrina Christiana”. Ang mga salita na nakakalat ay ang “Gramatic Castellana” at “Gramatic Latina” na dalawa sa mga natapos ni Fransisco Balagtas. Si “Huseng Sisiw” o si Jose dela Cruz ang katulong niya sa paggawa ng tula, at ang “magaling bumigkas ng tula” na ang katangian na nakuha ni Balagtas upang maka-aral sa Colegio de San Jose.

A. Talambuhay ni Balagtas

Johann Blaise S. Manzano at Russel A. Montero, 8A

Sanggunian: http://www.wikipedia.org  “Korido”. Literal na salin ng corrido [isahan], corridos [maramihan].

A. Ipinanganak si Fransisco Balagtas noong ika-2 ng Abril 1788 sa Panginay, Biguaa, Bulacan. Isa sa mga palayaw niya ang pangalan na “Kiko”. Ang mga magulang niya ay sina Juana dela Cruz at Juan Baltazar. Dahil isa siyang anak-pawis, kinakailangang niyang manilbihan sa Tondo, Maynila kay Donya Trinidad upang makaaral siya.Dahil isa siyang anak-pawis, kinakailangang niyang manilbihan sa Tondo, Maynila kay Donya Trinidad upang makaaral siya. Dahil dito nag-aral siya sa Colegio de San Jose, at nakatapos siya ng Gramatic Castellana, Gramatica Latina, Geografia at Fisica, at Doctrina Christiana. Si Fransisco Balagtas o “Kiko” ay isang mahusay na manunulat at pagbigkas ng isang tula kaya maraming mga babae ang humahanga sa kaniya. Ngunit si Magdelana Ana Ramos lamang ang kaniyang kinagugustuhan. Balak niyang gawan ng tula si Magdelana Ana Ramos para sa kaniyang kaarawan ngunit siya’y nakulangan sa tulong sa paggawa ng isang tula. Pero sa wakas ay nakagawa siya ng tula na ang “Huseng Sisiw”. Lumipat naman si Balagtas sa Pandacan. Dito na niya nakilala si Selya o si Maria Asuncion Rivera. Naging magkasintahan sila ngunit may isang mahigpit na katunggali kay Nanong Kapule. Si Kapule ay galing sa isang makapangyarihan na pamilya, at dahil ito gusto nila Kapule na hindi na makahadlang si Balagtas sa kaniyang panunuyo kay Maria Asuncion River. Dahil dito, ipinabilanggo niya si Balagtas. May pinaniwalaan ang iba na naisulat ni Balagtas ang obrang “Florante at Laura”, bagama’t may ilang nagsasabi na tinapos niya ito sa Udyong, Bataan. Dito kasi nanirahan si Balagtas pagkatapos makalaya sa pagkabilanggo, dito na niya nakilala si Juana Tiambeng, at ikinasal sila sa edad na 54. Dito muling nakilala ang husay ni Balagtas. Siya ay naging kawani sa isang hukuman at hindi naglaon ay naging Tenyente Mayor at Juez de Sementera. Sa lalawigan ng Bataan, muli siyang bumalik sa bilangguan dahil pinutulan niya ng buhok ang isang babaeng utusán. Lumaban siya sa kaso ngunit pinagdusuhan niya parin ang paratang iyon sa kulungan. Nawala lahat ng kaniyang pinaghirapan kaya ipinagpatuloy niya ang kaniyang pagsulat hanggang siya’y bawian ng búhay noong ika-20 ng Pebrero taong 1860 sa edad na 74. Iniwan niya ang búhay sa alaala ng mga Pilipino ang imortal na obrang sumasalamin sa búhay, ang Florante at Laura.